HoRP#1: Benny

Tatay Benny and How His Passion for Billiards Changed His Life

p_benny_1

Getting a college degree and finding a steady job aren’t the only goals worth pursuing. Bonifacio “Benny” Marasigan, a 61-year-old resident of Rodriguez, Rizal, shares his story as a billiard spotter and how his passion for this sports changed his life.

line_break

Marami akong kasaysayan. Noong bata ako, ayan ang hilig ko talaga, ang maglaro. Noong araw, palibhasa makulit din ako, hindi ako nakapag-aral. Barkada ang inuna ko. Ayan (billiard spotter) ang naging trabaho ko, hanggang ngayon. Diyan na rin ako nagkasakit, nagkadeperensya ang mata ko, sumakit ang kamay ko… [Pero] masaya ako diyan. Nag-asawa ako dahil sa bilyar. Nagkakilala kami dahil nanonood siya noon, idol niya daw ako. Bartender siya noon, doon ko siya nakilala. Kapag alam niyang may laban ako, nandun din sya, aabangan ako… Hindi kami kasal, pero maigi ang pagsasama namin. Napagtapos ko ‘yung anak ko dahil sa paglalaro ko. Nurse na siya ngayon.

Growing up as a billiard spotter, Tatay Benny learned the tricks of the sports alongside his childhood buddy, the renowned Filipino billiard champion Efren “Bata” Reyes.

Noong araw, magkasama kami ni Efren “Bata” sa Lucky 13. Bata pa lang kami, mga dose anyos, magkasama na kami sa Paco Paz. ‘Yun (Efren) ang number one na makulit. Kasi ‘yan, ano man ang sabihin mo, hindi nakikinig ‘yan, eh. Dati, kapag tapos na ang bilyar, kukunin niya ‘yung bola para maglaro nang mag-isa. Sasampa ‘yan sa mesa. Ngayon, magagalit ‘yung may-ari. Kaya ‘Bata’ ang tawag d’yan. Kapag wala siyang mapag-libangan… pupunta ‘yan sa Paco palengke, kukuha ng kamatis at ng tangkay ng malunggay… ginagawa niyang taco. Nagagalit naman yung may-ari kasi kapag napipisa ‘yung kamatis, nababasa ‘yung mesa. Binago n’ya naman ‘yung style n’ya, kumuha s’ya ng kalamansi para hindi mapisa… Si Efren, may [kumuha] sa kaniya kaya gumanda ang buhay niya ngayon. Hinawakan siya ni Puyat. Sinali siya sa mga junior tournament… ‘Yun ang hanapbuhay ko noong araw, laro-laro lang, ganyan. Kaya lang, umabuso ako. Wala na. Mahina na ang mata ko, wala na.

P_Benny_2.jpg

Despite his daughter’s request to put his health first and make himself comfortable at their home in Rizal, Tatay Benny continues to create tacos (cue sticks) and billiard tables to provide for himself. He is available on call and has connections from across the country.

Ayaw niya [his daughter] nga akong palabasin ng bahay, pero sabi ko, kapag nandito ako sa bahay, ako’y nagkakasakit. Pinatitigil na niya ako, sabi ko, ako anak, kapag ako tumigil, lalo akong manghihina. Libangan ko na lang ito… Ngayon, kapag naka-assemble ka, bibigyan ka ng dalawang libo. ‘Pag nakagawa ka ng taco, pinakamahal na niyan, 200 o 300 bawat isa. Marami akong contact. Kapag kailangan nila ako, tatawagan nila ako. Umaabot ako hanggang Bicol. Sa Bicol, mas mataas na ‘yung singil ko sa kanila, mga 3,000 na tapos pamasahe pa. Kapag pumunta ako dun, mga dalawa o tatlo ang ginagawa ko kasi ‘pag isa, talo ka sa pamasahe. Eh, kapag nakatatlo ka, pinakamababa diyan, 8,000. Bawi na. Kahit isang linggo akong walang gawa, mayroon akong pang-gastos.

p_benny_3

On why he is at Luneta:

Nagpapalipas lang ako ng oras. Uuwi rin akong Rizal mamaya. Kapag di ako nakakauwi, hinahanap ako niyan [his daughter]. Taco lang naman ginawa ko kanina, kumita na ako ng 500. Kaya ako nandito [para] makapahinga man lang ako. Babalik ako dun mamaya [Mabini] kasi may isa pa akong aayusin. Sayang din yung 500. 

Words by Airen Petalbert 

Photos by Trixie Bautista

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s